Thursday, February 17, 2011

Liham

By: Arjay Amaneo

Mamuhay kayong may buong kapakumbabaan at kaamuan na may pagtitiis. Magbatahan kayo sa isa't isa sa pag-ibig. Pagsikapan ninyong panatilihin ang pagkakaisa ng Espiritu sa buklod na kapayapaan.

Mga Taga-Efeso 4:2-3 (Ang Salita ng Diyos)

********************************************************

Matagal na silang mag asawa, matagal ng nagsasama at marami na silang pinagdaanan. Gaya ng ordinaryong magkatipan dumanas din sila ng matinding pagsubok, mga ups and downs ng buhay kumbaga. Isang araw, nagkaroon sila ng alitan. Isang bangayan na sabihin na nating mauuwi na yata sa hiwalayan. Masyadong na dismaya si Andy, habang si Netty ay galit na galit.

Isang linggo din silang hindi nag uusap pagkatapos ng away na iyon. Nagbabaka sakali si Andy na huhupa din ang galit ng kanyang asawa. Pagsapit ng ikapitong araw, nilapitan ni Andy ang asawa at binigyan ito na papel at bolpen. Iminungkahi niya sa asawa na sabay nilang isulat sa papel ang kanilang mga saloobin, pagkatapos ay magpapalitan sila ng papel at pag-usapan kung ano man ang ugat ng kanilang di pagkaka intindihan.

Pagkatapos ng dalawampung minuto, nagtinginan ang mag asawa at nang magpalit na sila ng papel, binasa ni Andy ang sulat ng asawa. Ang nilalaman ng papel na iyon ay ang mga hinanakit ni Netty kay Andy, puno ng poot ang kanyang puso at sinabi pa niya sa sulat na sana ay mamatay na ito.

Nang si Netty na ang bumasa sa sulat ni Andy para sa kanya, nahiya siya sa sarili, umiyak, pinunit ang papel at tinapon ito. Sa papel ni Andy isinulat niya sa dalawang pahina ng bond paper:

“Mahal na Mahal kita Netty”

2 comments:

Anonymous said...

a very touchable story...hanga ako sa inyo nawa mabigyan niyo din ako ng advice kame ng asawa..ako kc yong tipo ng taong sobrang mabunutin at maiyamutin...di q namamlayan nasasaktan ko na pala ang aking asawa

Jayson said...

Lahat naman kasi tayo ay may kanya kanyang kahinaan at hindi lahat ay mamahalin ng mga tao sa ating paligid. Pero sa lahat ng tao meron talagang isa na mamahalin ka ng buo, pati na ang mga kahinaan mo.

Thanks for visiting this site. May God bless you and your family

Post a Comment